gising na ako. dilat na dilat.
matagal na dapat, kaya lang nasarapan ako sa pagtulog.
andami tuloy nawala, andaming nasayang.
ganun naman lagi, cyclic, predictable.
pero sabi Niya huwag na raw. tama na,
masyado nang nakakasakit, nakakasugat.
hindi na ako umuusad.
kaya lang madilim pa rin.
malabo ako, pero kailangan kong hanapin
ang ikakalinaw ng mundong matagal-tagal
na ring nangangapa sa tabi ng switch.
ngayon lang akong maglalakas loob na i-on.
susubukan, kailangang subukan.