see what Friendster can do (a moment of angst)
may mga pagbabagong pinagdadaanan - dapat pagdaanan. bumabalik ang nakaraang sarili, kaya lang ngayon, malaki ang pinagbago - o umalis nga ba ang luma?insecure sa mga taong gustong iparamdam sa iba ang insecurity, pero kasama rin nun ang awa para sa mga nasabing tao. mahina ang memorya, nakakapinsalang utak, mahirap makaintindi ng mga bagay-bagay, nakakahiya sa klase kasi mababa ang IQ pag-umasta. kaya nagbabasa ng anu-ano - dahil insecure.
sa lahat-lahat ng nabanggit, gusto ko lang naman makilala ang Diyos - at kasiyahan ko yun, kahit sa punto ng buhay ko ngayon,
banas na banas talaga ako sa takbo ng mundo:
sa apathy ng mga taong may makapangyarihan sa bulsa at utak,
sa indifference ng mga tao tungkol sa Diyos,
sa individualism na sinalpakan pa ng liberalism,
sa mga komersyal ng mga kapitalista sa shampoo at pampaputi,
sa mga komersyal ang anti- at pro-ChaCha na hindi naman talaga ipinapaliwanag sa mga tao kung bakit dapat maging anti- at pro,
sa mga aktibistang tatakbo sa kinabukasan na malamang magiging target rin ng mga kinabukasang aktibista,
sa mga may simpatya kay Palparan,
sa mga opportunists na nagmamanipula sa utak ng masa,
sa sarili ko kasi nagmamagaling ako eh wala naman talga akong alam -
well, ilan lang ito sa mga galit ko.
mapapansing malayo ako sa larawan ng isang Kristyano. malamang kahihiyan ako sa Sankakristyanuhan. pero hindi, hindi na mahalaga kung ano ang iniisip ko at ng ibang tao tungkol sa sarili ko.
pero buti na lang at mahal ako ng Diyos, at maniwala man ako o hindi, hinihiling Niyang mahalin ko ang lahat ng nabanggit kong kinasusuklaman ko, kasam na ang sarili ko. ang iniisip lang Niya ang mahalaga, kahit mahirap unawain.
mahirap, pero natututo naman ako.
sa ngayon, yun. nagmamahal naman ako. pero gusto Niya na magmahal talaga yun talagang ako.
magmamahal rin ako.
aw.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home