Bitter ako. Heto ang ginawa ko para sa isang subject na posibleng hindi ma-credit. Bitter pa rin ako. Pero masaya naman dahil binigyan ako ng Diyos ng ganitong kuwento.

Heavenling, Earthling at Meatballs

Nagkagulo ang mga tao sa Lutong Bahay habang tumatakas ang mga Philo Major students na hinipnotyze ni Oble para barilin si Liz. Kinuha ni Maria ang kanyang cellphone at tinawagan ang UPDPD. Nagulantang ang MPs10 group (nagcra-cram ng group project para sa isang alien na guro – ibang kuwento ng pakikipagsapalaran yun) na kinabibilangan nina Max at Michael. Hindi inaasahan ng dalawa ang pangyayaring ito. Wala namang binanggit ang Diyos na mamamatay si Liz nang hindi nalalamang dadalhin niya sa kanyang sinapupunan ang propetang maghahanda sa pagdating ni Kristo. Matagal na nilang binabantayan si Liz (simula pa nang sumabog ang spacecraft nila kasi hindi naman sila sanay gumamit ng spaceship, first and last time na nila yun; pareho rin kay Liz ang kinuhang kurso ni Max, BS MBB; pati ang GE na MPs10 ay pinatulan din niya). Agad-agarang linapitan ni Max si Liz kahit na pinigilan siya ni Michael (bawal kasing hawakan ng mga Heavenlings ang isang Earthling kung ito’y nagaagaw buhay na sa kadahilanang mawawala ang kapangyarihan nilang bumalik sa Heaven). Hinilom ni Max ang sugat ni Liz. Sinabi ni Max kay Liz na huwag niyang babanggitin ito kahit kanino at magkunwaring natapunan na lang siya ng isang kalderong meatballs. Pagkatapos ay tumakbo sila agad ni Michael sa sakayan ng IKOT Jeep (nalimutan nilang may kasalukuyang group meeting sila). Kailanman, hindi dumating ang mga tauhan ng UPDPD (kontrolado kasi sila ni Oble, ang UP master mind sa pagpigil sa pagdating ng propetang tagapaghanda).

Kumalat ang tsismis sa MPs10 class nila tungkol sa “muling pagkabuhay” ni Liz (hindi na nila natapos ang group project – impyerno pag tinalikuran ka ng mga taga-Heaven). Dahil wala silang project, sinabi ng prof na magsulat na lang sila tungkol sa kani-kanilang “Most Memorable Experience”. Tinadtad ng tingin si Liz at Max (magkatabi sila sa klase). Naguguluhan pa rin si Liz tungkol sa kung ano ba talaga si Max (maging si Maria ay hindi na niya kinakausap tungkol dito). Sinabi ng prof na magpalit na sila ng papel para sa workshop. Nagulat si Liz dahil Heavenly alibata ang kanyang nababasa. Sa kanyang kaba, nilagay na lang niya ito sa kanyang bag.

Sinabi ni Michael kay Isabel ang ginawa ni Max. Nagalit ito at sinabing lumipat na lang sila ng eskwelahan sa may Taft. Kakausapin na lang nila ang Diyos na maghanap na lang ng bagong babaeng magdadala sa propetang tagapaghanda sa banda roon (sa kasamahang palad, hindi pa sila kinakausap ng Maykapal simula nang bumagsak ang spaceship nila). Sabi ni Max ay mas lalala ang pagtataka ng mga tao kung lilipat sila agad-agad. Sabi ni Isabel na delikado raw mag-aral sa UP, maraming espiya si Oble. Ngunit sa huli, nagkasundo silang hintayin na lang ang sasabihin ng Diyos.

Sa isang klase nina Liz at Max sa MBB, sinabihan silang tingnan ang cells ng katabi (saktong magkatabi sila). Nag-CR si Max. Tiningnan ni Liz sa ilalim ng microscope ang laway na nakuha niya mula sa stick ng bananacue ni Max. Magkaiba nga sila ng cells. Nagdesisyon siyang kausapin si Max pagkatapos ng pagliligpit ng lumang microscope.

Tinanong ni Liz kung saan galing si Max. Itinuro ni Max ang langit. Tinanong ni Liz kung galling siya sa Sulu. Ngumiti si Max. Tinanong ulit ni Liz na nababakas na ang asar at kaba sa kanyang mukha. Sinabi Max ang katotohanan. Sinabi rin niyang si Oble ang nagtatangkang pumatay sa kanya dahil ito ang inutusan ng Evil Alien para panatiliin ang kawalan ng paniniwala sa Diyos ng mga tao sa UP (hindi na baleng walang naniniwala sa Evil Alien, basta wala ring naniniwala sa Diyos). Naiyak si Liz, hindi dahil sa Heavenling si Max, kundi dahil sa takot sa kanyang mga magulang (conservative ang pamilya niya – hinding-hindi nila matatanggap si Liz pag nabuntis siya, lalo na kung misteryoso ang tatay ng bata).


Mas lumalala ang tsismis tungkol sa insidente sa Lutong Bahay (nabanggit ito sa Kule – blind item ng isang kaklase nila sa MPs10). Si Maria ay naguguluhan na rin kaya naman pinuntahan niya si Liz sa bahay nito sa likod ng Lutong Bahay. Sinabi niyang hindi naman meatball sauce ang nasa uniporme ni Liz kundi dugo. Sa kanyang pangungulit, sinabi rin ni Liz ang katotohanan. Nahimatay si Maria at natabig niya ang kaldero ng meatball sauce. Nagkaroon ng ideya si Liz.

Balak ni Oble na isiwalat ang totoong nangyari sa Lutong Bahay para kantsawan at apihin sila Isabel, Michael at Max ng sangka-UPihan (korny raw kasi ang konsepto ng pagkakaroon ng Diyos). Pinatawag si Liz sa Office of the Chancellor at tiningnan ang kanyang backpack. Nasa kamay na nila ang isinulat ni Max sa MPs10. Nakabahan si Liz, pero nagulat siya nang nakita niyang blanko ang papel. Sinabi ng na-hypnotize na Chancellor na ganoon din daw ang nangyari noong 1960’s, nang may natagpuang isang diary sa kamay ng isang babaeng istudyanteng tumalon umano mula sa ikaapat na palapag ng Engineering building (ibang kuwento ng pakikpagsapalaran) - blanko ang diary pero pareho ng papel, kulay langit.


Mas lalong nagalit si Isabel at Michael sa ginawa ni Max na pagsabi kay Liz. Hindi na nila nahintay ang utos ng Diyos. Inayos na nilang tatlo ang kanilang credentials sa paglipat ng school. Nabalitaan ito ni Liz. Hinatak niya si Maria at hinabol nila sila Isabel sa Parking Lot. Sinabi ni Liz ang kanyang plano. Pumayag si Max. Nagalinlangan si Isabel at Michael pero pumayag na rin sa huli.

Sa U.P. Fair, ikinalat ni Oble ang mga hypnotized barangay tanod para huliin sila Max (nakompirma ng hypnotized Chancellor na pareho ang papel na sinulatan ni Max sa papel ng 1960’s diary). Sinusundan ng mga hypnotized tanod sina Liz at Max. Nagtayo ng booth ang Lutong Bahay. Sampung kaldero ng meatballs ang kanilang inihain. Biglang nagkagulo nang kumanta ang Rivermaya ng “You’ll Be Safe Here” dahil itnulak ni Michael ang yerong pader sa Sunken Garden kaya nakapasok ang mga taong walang ticket. Nagkaroon ng stampede at nagkunwaring natapakan si Maria. Nang humupa ang lahat, linapitan siya ng mga hypnotized tanod. Wala siyang kamalay-malay. Sinigaw ng mga hypnotized tanod na bigyan siya ng tubig. Dahil walang tubig, meatball sauce na lang ang ipinainom nila. Nagkunwaring nabuhay si Maria nang ipinainom sa kanya ang meatball sauce. Nagulat ang mga hypnotized tanod sa nangyari, nagtaka, at humingi ng meatballs. Pagkakain na pagkakain, nagising sila sa katotohanan at nawala ang hypnotism ni Oble. Kumalat ang balitang mahiwaga talaga ang meatballs ng Lutong Bahay. (Bumalik si Oble sa Quezon Hall at nagsisigaw ng mga katagang “What do you want from me?”, parang kay Jeniffer Love Hewitt sa “I Know What You Did Last Summer” hanggang nanigas siya doon).

Nang bumalik na sa concert ang lahat, linapitan ni Max si Liz sa may gilid ng Sunken Garden (kumakanta ng “Huwag na Huwag Mong Sasabihin” si Kitchie). Walang palitan ng mga salita, ngunit ramdam nila ang kalungkutan. Kung alam lang nila ang plano ng Diyos, hindi na sila malulungkot (ibang kuwento ulit ito): sila ang magkakatuluyan. Anak nila ang propetang tagapaghanda. Nagwagi sa kanyang pananahimik ang Diyos. Para naman sa sangka-UPihan, naniwala ang iba, mas nagalit ang karamihan (hindi raw kasi lohikal iyob - esisyon na nila kung maniniwala sila sa Kanya, hindi naman namumuwersa ang Diyos). Nalilito pa rin ito hanggang ngayon.

Hindi nagsalita ang Diyos sa buong buhay nila Max sa UP. Ngunit ang pagluto niya ng meatballs ang nagbago ng lahat.

goya