Halo-Halo
oo, totoo, marami akong nararamdaman ngayon. di ko nga alam kung anong uunahin, nag-uunahan kasi sila eh, silang lahat.ahm, medyo malungkot ako kasi pabagsak nanaman yun mga grado ko: 10/100 ako sa philo11 exam ko kay ser tangco, tapos magdro-drop ako ng sports climbing, hindi ko pa tapos yun folio ko sa cw100, dami kasing kaartehan sa paintings, hindi naman ako nagunguna sa socsci2, sp130, fil20 o eng23 - mga subjects na inaasahan kong sasalba sa akin, kulang-kulang assignments at quizzes ko, ewan ko lang kung may forced drop na ako. magulo ang utak ko, sabog na sabog.ikinalulungkot ko rin na magulo ang damdamin ko dahil nagmamahal na nga ata ako, o isang matnding pagkalinlang, hindi ako sigurado, isang kabaduyan na di ko inaakalang papatulan ko. hindi naman niya alam, o malamang alam na niya ngayon, pero hindi, hindi naman siguro kasi magaling naman ako magtago - noon, hindi na ngayon, nasabi ko na kay rai eh, sa kanya lang muna, di ko pa kayang ibunyag sa iba, baka masabihan pa ako ng "kadiri", di ko pa kaya.
ang dami, ang dami-daming gumugulo, nakakalungkot, nakaka-enganyo, parang nagsasabi silang lahat na "ayos lang malungkot, marami ka namang natututunan, marami ka namang nararamdaman", tapos sabay-sabay silang sasayaw sa isipan ko, ritual dance na matagal na nilang ginagawa tuwing bilog ang buwan, ang buwan na nagdidikta kung kailan ako malulungkot.
pero buti na lang may araw, mas matikas yun, mas maliwanang, mas malakas ang kapit sa akin, hapit na hapit, sakop talaga ako ng ilaw niya.
masaya ako, todo ang galak na pinipintig ng pulso ko ngayon: may mga disciples na ako, lima sila, sabay-sabay kaming nag-aaral ng salita ni God, nagwi-witness na rin ako, isang bagay na matagal ko nang ipinagdarasal pero kinakatakutan, takot pa rin ako ngayon pero kailangan kasi nilang marinig eh, kailangan nilang malaman na mahal na mahal sila ni Jesus, na sobrang nagmamakaawa na siya para lang tanggapin nila ang kasiyahang alok niya, ang kabuuan ng saya na talaga namang para sa kanila, na hindi naman siya mahirap abutin, na andiyan lang siya, kumakatok sa pinto ng puso, di bale na sa isipan kasi mahirap naman talaga pala siyang intindihin, na may mga bagay-bagay na hindi natin maiintindihan kasi hindi naman tayo nagtatanong, na may mga tanong na hindi natin masasagot kasi hindi naman natin maiintindihan, na matagal na siyang naghihintay para lang mapansin, mantakin natin, Diyos, naghihintay, naghihintay na mapansin, na oo, minsan naawa ako sa kanya, na nagpapakatanga siya para sa mga taong hindi naman siya pinapahalagaan, kung ako lang siya, naku, matagal ko nang pinasabog yang mga yan, mabubuhay naman kasi ang Diyos ng walang tao, walang sakit ng ulo, pero hindi, nakakapagtaka siya, nakakapagtaka talaga ang pag-ibig niya, at hindi ako siya, mahal ko lang siya, mahal na mahal, hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung papaano, basta nangyari na lang, kasi una niya akong minahal, eh wala naman masyadong nagmamahal sa akin noon, pero ayos lang, dahil sa kanya, marami nang nagmamahal, pero sapat na ang pagmamahal niya, yun pagmamahal ng mga mahal ko, bonus na lang yun, libre, yun, yun ang gusto kong ipaalam sa mga taong hindi pa nakakarinig ng katotohanan, na pumapasok ang Diyos sa mga buhay ng taong tumatanggap kay Jesus at binabago talaga niya ang takbo ng buhay, binubura niya ang mga kasalanang sumisira sa atin, binubura niya ang mga kahihiyan na tumutunaw sa atin, na may choice tayo kung gusto natin siyang tanggapin, gusto kasi niya kusa nating maramdaman yun pagmamahal na yun, at hindi yun nanggagaling sa simbahan, o sa relihiyon, o sa anumang santong dinadasalan ng mga eskuwelahan natin, hindi, mga sinungaling yun mga yun, hindi naman kasi natatagpuan ang Diyos sa sculptures,a t nakalulungkot na hindi ko na siya makita sa simbahan, sa Bible na lang, yun na lang ang tanging simbahan ko, pero nagsisimula nga muna yan sa aming dalawa, sa relasyon namin ni Jesus, sa kung gaano kalalim ang pagkakaibigan namin, ang pagmamahalan, ang pagkukulitan, kasi makulit si God, napa-oo niya ako, hindi naman ako napilitan, um-oo lang talaga ako sa panahong pakiramadam kong walang-wala na na ako, tapos binago niya ako, ang saya, may galak talaga ang puso ko.
ang haba, mahaba ang kasiyahan at kalungkutan ko ngayon, pero nananaig pa rin ang Diyos, na ayos lang kahit pabagsak ako sa philo11, nakuha ko naman ata yun pabor ni ser tangco kasi willing naman siyang turuan kami, puwede pa naman akong mag-sports climbinbg kasi may belayer card naman na ako sa power up, maipapasa ko naman yun folio ko sa cw100, ang saya nga nun kasi may pito akong paintings dun, inspirado ako eh, pumapangalawa naman ako sa mga subjects na inaasahan kjong sasalba sa akin - wala na akong pangamaba, wala nang takot kahit bumagsak, sinalba na ako ng Diyos noong first sem, ganito rin ang nangyari noon, tinamad ako at parang babagsak, sumobra pa nga ng isang GEng AH, pero pinalakas niya ako't naisalaba, na-US pa nga eh, at hindi ko gawa yun, bobo ako kung ako lang, si Jesus lang talaga may kagagawan nun, kaya nga Savior eh, taga-pagligtas sa lahat ng aspeto ng buhay ko. para naman sa infatuation ko, tinutukso pa nga ako ni Lord eh, hindi kinukulit niya ako, pero haay, Lord, sana tapusin niyo na, hindi ko siya kayang mahalin, hindi ata, bahala ka na ha, bahala na talaga, ewan.
leche flan at ube sa itaas, yan, handa na akong kumain.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home