Lecheng Brain
“Hindi naman mababasa yan ng mga bobo. Ano pang kuwenta niyan?” itatanong sa akin ng isang sinicong kaibigan. “Kahit pa tungkol sa kanila yan, mga edukado rin lang naman ang makakabasa.”“Hindi ah,” naman ang pinakamatalinong maisasagot ko sa kanya.
“Oo. Walang kuwenta yan. Ano bang gusto mong mangyari? Sa tingin mo ba mababawasan ng isinulat mo ang kabobohan dito sa Pilipinas?”
“Oo,” papiyok ko namang sasabihin. Papawala na ang diksyon ng katalinuhan.
“Nakakaawa ka naman. Hindi mo ba nakikita na kayo-kayo lang ng mga kapwa mo manunulat ang kikilatis niyan. Kayo-kayo rin lang ang mag-iisip. Kayo-kayo rin lang ang tatalino. Ano pang kuwenta ng pagsusulat niyo kung kayo-kayo rin lang ang makikinabang?”
“Eh bakit ‘di mo subukang basahin?” Kakayanin kong manaig ang katalinuhan.
“Subukan? Sinubukan ko nang basahin lahat ng kauri niyan. May pattern, may batas na sinusunod. Masyadong malalim, masyadong exclusive ang lenguahe, masyadong nagsasabing ‘matalino kami, wala ka nang pag-asa’. Hindi nanghihikayat. Nantataboy pa. Nakaka-insecure. Nakakabobo.”
Nakaharap pa lang ako sa computer, naiisip ko na ang ganitong engkuwentro. Ang kanyang sasabihin, ang kanyang pagtatanong, ang kanyang panlalait, ang kanyang kabobohan.
Nabanggit niya sa akin noon na “kasalanan ng manunulat kung bakit hindi nila napapabasa ang brains ng mga leche.”
Sa takbo ng kanyang pag-iisip, di ko na kasalanan yun.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home