Labingapat Dapat - mga tulang sabog
ang galing ni Lord. "Empeeten" pa ang ginamit niyang guro para makapagsulat ako sa Filipino. Astig talaga.ang hirap gumawa ng tula. iba pala ang nagagawa ng kaba at takot nang babagsak muli, o 'di naman kaya makakuha ng nakakaiyak na grado. buti na lang nagising ako ng 'di ko pagkuha sa tugmang isahan. kahit kailan, 'di ko malilimutan ang dalawang salitang iyon.
dapat labingapat na tula sila na magagawa sa loob ng dalawang linggo. eh kaso suntok sa buwan para sa akin 'yun. hindi pa tapos ang iba. tinatahi pa lang. inabot ako ng tatlong linggo - malamang magiging isang buwan pa. ang mahalaga:kahit papaano, marunong na akong magsulat sa Filipino - isang dalangin na ngayon lang napagbigyan. may pag-asa pa akong nararamdaman.
salamat sa Empeeten (kay ser vlad na nagmistulang pastor namin sa Filipino, sa mga kaklase kong [jamie, jedi, luchi, bevz, maiden, chino, tanya, ryan, olops, mark, sa pinaghingan namin ni jamie ng glue, etc.] naging sunud-sunuran naman), kay Sarj sa gagawing pagwasto, kay Addy, sa DG ko, Stillwaters, CCC, Ate Melai dahil sa laptop, mga boardmates ko, tindahan sa may acad oval (saan ko kayo hahagilapin pagkatapos ng ika-30 ng Septyembre?), sa mga magulang kong sobrang nagmamahal sa akin - at sa Diyos (alam Niyo na po iyon). andami kong pinasalamatan - malamang may kinalaman kayo dito.
ang daming sablay - sa grammar, sa spelling, sa content. hindi pa ito naiiwawasto nang kahit sino. birhen pa. ipapawasto ko kay Sarj, kay Ser, at kung sino pang makikilala kong makata (silang dalawa pa lang ang may kredibilidad sa akin eh). kahit lahat man sila pangit sa mata ng isang makata, pumapatak pa rin ang luha ko sa tuwa dahil nagawa ko sila.
masaya na ako 'dun.
1 Comments:
goyz,
pakitingnan nalang ang mga comments...
nauna ko ng nabasa 'yung Tuta...
kaysarap maging makata, 'di baga? =)
magpatuloy sa pagsulat... pagkatha... paglikha... =)
sarj
Post a Comment
<< Home