matagal na kaming magkaibigan ni Melody. hindi ko na maalala kung papaano nagyari yun, baka siguro dahil siya ang supplier namin ng mga bulaklak tuwing rinerequire sa misa, o baka naman dahil sadyang wala lang kaming magawa pareho kaya heto, no choice kami.
hindi iyakin si Meko. sa katunayan nga, paminsan-minsan lang siya umiiyak, pag nalalasing, naaalala ang 8-day affair niya, nanunuod ng kesong mga pelikula, o di naman kaya pag binobola lang namin siya.
astig yang si Meko eh. kaya nga tuwang-tuwa ako tuwing nag-aasaran kami niyan, nanlalait ng kapwa tao, tumatawa ng malakas kahit nagsisitalsikan na mga laway namin, nagwawala sa condo nila, kinakaawaan si latog, kumakain na parang wala ng bukas, pinapaiyak namin si Eya kasi kwinekwestyon niya ang taste namin, nakikinig sa walang-kamatayang minamahal niyang si Bamboo, naglalaro ng Ultimate sa kawalanan ng gawain, nagdarasal para sa mga bagay-bagay na wala kaming control, nangagarap na aayos rin ang takbo ng kurso ng mga buhay namin.
haay, astig talaga si Melo.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home